Kamusta?

KAMUSTA?

Nangangamusta na naman sila.
Pilit na nagpaparamdam.
Maingay. Nakakabingi. Nakakabulahaw.

Dalawin na naman na sana ako ng antok ng maibsan tong pagod na nararamdaman ko dahil sa inyo. Buong maghapon kayo ang aking naririnig, sa mga sinasabi niyo na pilit ko namang iniintindi.

Naiintindihan ko kayo. siguro nga'y gusto niyo na ding magpapansin para naman makuha ninyo yung atensyon namin. Upang ng mabahala kami. Totoo, kami ang mali, masyado kaming nang-abuso (patuloy na nang-aabuso) kaya naman sa sarili ko tanggap ko na kung ano ang mangyari sakali mang patuloy kayong mangamusta't bumisita samin.

Mangamustsa't bumisita samin. Oo palagi kayong tuloy dito (wag lamang madalas). Paano ba naman kasi ang laki din ng pakinabang namin sa inyo. Sa mga sakahan, ng patuloy na yumabong ang mga halaman, ng patuloy na may makain kami. salamat. Sa dagat, ng maibsan man lamang at sumingaw ang dumi nito, na walang hanggang agusin to sa kabilang panig ng bilog. salamat.

Salamat? pero sa mga pagkakataong ito, pano kita mapapasalamatan, sobra na lahat ng binigay mo, akala ko ba'y mangangamusta ka lang, sa buong maghapon, kay dami mong nakadaupang buhay, sa buong maghapon, hindi mo alam ang mga ginawa mong kurot. Unti-unti mong pinuno ng tubig ang sakahan, pinaapaw mo lahat ng dam, binaklas mo ang mga bahay sa dalampasigan, Bumawi ka ng buhay.

Sa pagbawi mo ng buhay, marahil ay pagsisihan namin ang lahat, anu bang dapat naming gawin upang kahit sa susunod na pagbisita mo'y patuluyin ka pa namin.

Ilang oras na lamang at matatapos na ang araw na ito, na kung saan aalis ka na samin at bibisita sa ibang panig ng bilog, nawa'y ang lahat ng yong pasalubong ay mapahalagahan namin.

Sa ibang bahagi ng parte ng aming lugar, patuloy ang pagsalo ng yong pasalubong ng may halong pangamba at takot, na mismong bumabalot sa kanilang isipan, naaalala kasi nila yung huli mong dalwang pagbisita, akala kasi nila'y iyon na ang huli. Mali sila. Mali ang pagdiriwang.

Patuloy pa kaya kaming magdiwang dahil, pipilitin naming isipin na hindi ka na muling babalik?

Siguro bukas, kung gigising akong may liwanag matutuwa na ko, iyon kasi ang hudyat na nakapagpaalam na kayo. Paghahanda para sa muli ninyong pagbabalik ang tangi kong iisipin.


Sa wakas, tanging huni na lamang ng kuliglig mga palaka't ungol ng aso ang aking naririnig. Di na kita napapakinggan pa,kung meron man kaluskos na lamang siguro yon ng iyong buntot.

Marahil ay pagod ka na. Salamat sa pagbisita. Tagalan mo pa sana ang 'yong muling pagbisita.

hikab.ladlad ng kumot.pukpok ng unan.pikit.
       6/24/11

Comments

Popular posts from this blog

HIMALA

pasakalye:

Gayuma ng Divisoria...