INDAK.

Para kang nilulutang sa ulap. Yung pakiramdam na may kasama kang kakaibang nilalang, yung sayo lang yun mundo, gumagalaw ka sa musikang nais mo. Sa bawat igkas ng kamay at ikot ng katawan sa bawat diretso at pagbali ng mga paa at sa bawat tingin mo sa mga tao, maipaparating mo ang yong ninanais. Ang pagsayaw na ang naging anino ko habang ako'y nabubuhay, Malamang sa hindi, dalhin ko ito hanggang sa aking huling hugot ng hininga, ito na rin ang naging dahilan kung bakit ako naging ganito. Lahat ng nagyayari ay may dahilan, at ang lahat ng iyong kagustuhan may nakalabing pamamaraan. Diyan ko binubuhay ang sarili ko, diyan ko din nilalaan ang maiikling panahong walang kinapupuntahan, diyan ko din binibigay ang lahat ng nararamdaman kong galit at kasiyahan, at diyan ko din nilalabas lahat ng hinanakit at mga sagot sa lahat ng katanungang bumabalot sa aking pagkatao. diyan din ako nagsusumbong at lumalakas. at sa lahat, diy...