Posts

Showing posts from February 17, 2013

Romeo Agustin

Ah si Romeo Agustin!  Nagmamadali akong pumunta ng school, sa kadahilanang baka maiwan ako ng service papuntang paraiso, isang kembot na lamang, at maiiwan na nga ako ng bus. Halos 2 oras kaming bumyahe patungo sa kanila. Sumabay pa ang panahong lalong nagpalamig at nakisimpatya sa mga pananaw at takot naming baon habang naglalakbay. Patak ng ulan, mala-bituka ng manok na daan, hampas ng hangin sa naglalakihang sanga ng kahoy, ugong ng mga sasakyan at lumuluwang mata pag silip sa bintana dahil sa mga banging halos ikamattay mo ang distansya. Buhos ng ulan. Mabait yun si Romeo Agustin! Nakahinga na ko ng maluwag ng alam kong wala na ang zigzag na daan at lintik na mga nakakalulang bangin na yan. Ilang minuto pa at ayun, napasok na namin ang bukana ng paraiso. Asul na damit para sa mga lalaki at kulay rosas naman sa mga babae. Binigyan kami ng konting orientasyon para sa pakikisalamuha namin sa mga nakatira doon sa mumunting paraiso. Patak ng ulan, basang paa. Di...