Posts

Showing posts from April 29, 2012

Paghihiganti.

Mainit ang singaw. Talagang tagaktak ang pawis mula noo hanggang sa baba, sa leeg. Hindi mo maiiwasang mapahiyaw sa init, mistulang napakalaking pugon ang kapaligiran. Ang simoy ng hangin ay parang apoy na kulay puting dadampi at susunog sa iyong balat sagad hanggang sa loob ng iyong katawan. Salin ng tubig sa baso, inom. Paypay. Hinga. Inom. kung hindi mo gagawin ito ng paulit ulit, mamatay ka sa pagkatuyo. Isang umaga nagising ako ng init na init at tila balisa sa aking pagkakatulog. Sumilip ako sa bintana ng kwarto, natanaw ang mga puno't halaman sa likod bahay, walang hangin, at syempre walang galaw ang bawat dahon at sanga, tuyong tuyo ang lupa na wari mo'y mabibiyak at mahahati sa gitna at lalabas ang nagaalimpuyong apoy. Nagtanggal ako ng damit , sinuot ang aking pantalon, binuksan ko ang bintana patungong bubungan, saka umupo at pumito. Iilan na lamang din ang mga ibong lumilipad dito sa may amin, magbuhat  nung nagkamatay ang iba naming puno, parang nagtampo ...