kwento-ARTE-kwento
"Setyembre labing siyam pitumpot dalawa, ideneklara ang batas ng hari sa pilipinas, batas ng pagpatay, pagdukot at pagpapakasakit, hangarin daw nitong mapaunlad ang bansa, ngunit mapapaunlad niya ba ito, kung nagpapabaha siya ng dugo at nagpapaulan siya ng bala? naging marahas siya naging marahas ang hari"-pinakadamang dama kong linya sa pinakapaborito kong dulang ginawa,-Alas Tres Y'Media Nakaraan... Mahilig akong gumawa ng mga hindi kapani-paniwalang kwento, sa totoo lang magiging YES MAN ka sakin pag kausap mo ko (weh, daw sabi ng mga kaibigan ko) totoo yun, maski sila nga pag kinukwentuhan ko,super paniwala. maiyak iyak pa. matulo-tulo pa ang sipon, malaglag laglag pa ang mga hawak hawak. ewan ko kung anung meron sakin, AKTOR nga ako-- nagkaisip ako, lumawak. Napadpad ako sa mundo ng teatro. isa, dalawa, tatlo, curtain--- diyan ako namulat sa sigaw ni direk roxy, na kalaunan ako na din ang sumisigaw niyan. ayos ba? sa bawat linya, sa bawat tama ng mga ilaw, sa bawat ...