Posts

Showing posts from November 6, 2011

Those Little Voices...

Image
Hawak hawak at pilit ko na namang iniintindi tong mga aklat na to. Huwag na kayong sumigaw. Mahal ko kayo. Don't be jelous. Okay? Almost two weeks din yung sembreak. Masaya. Relax ang mind, but the time has come, eto simula na ulit ng sem, at second semester na nga, akalain mong I've done 5 semester na in a row. I can't believe, dati lang kasi iniisip ko kung anu yung i-ta-take up kong course, and now, eto na, dalawang sem na lang ang natitira, ga-graduate na ko. I WILL BE A CPA na. matutupad na lahat ng mga pangarap ko. Palaging may mga maliliit na boses na bumubulong sakin na wag kong bibitawan ang lahat ng aklat na mabasa ko hanggat di ko ito naiintindihan, those small creatures na nakalambitin sa dalawa kong tenga,bumubulong, tumutulong. My imagination is now taking place, alam ko na ang mga nilalang na ito ang dahilan kung bakit kailangan kong pagbutihan ang pagaaral ko, para kasing sila yung mga inspirations ko, oo sila na nga, sumapi lang yata. tawa. Jusko, nililiban...

Gayuma ng Divisoria...

Image
Tatlong oras mahigit ang byahe papunta sa kanya. Manggagaling pa ako ng probinsya. Tumayo at ihanda ang aking sarili, magbihis, kumain. Dapat mayroon akong pera sa bulsa. At higit sa lahat, kailangan kong ibukas ang isip ko't gawing handa sa kung anu man ang makikita ko sa lugar niya. Handa na akong harapin siya. Bata pa lamang ako, naririnig ko na siya, akala ko ngat ito'y parang isang tindahan lamang, naririnig ko na mura daw doon, madaming tao, maingay, mapanganib.Mapanganib? Marahil Oo, Siya ay nasa pusod ng Maynila, kuta ng mga opurtinad at ng mga masasamang loob, nasasayo din naman kung paano mo titingnan, kung optimistiko ka, sa pagbubukas ng kapalaran, at kung pesimistiko ka, isipin mo lahat ng kasamaan. Pang ilang beses ko pa lamang siya napuntahan, Sa unang pagkakataon, natatakot ako, ilang paninigurado at pagpeprepara ang ginawa ko bago ako bumyahe papunta sa kanya, pinaghiwahiwalay ko ang aking mga pera, nagbaon ako ng tinapay at iniayos ko ang aking itsura.  ...

Totoong buhay si Mr. Cupid!

Image
1 day after November first. The day was so gloomy and windy. 1:41pm. Nami-miss ko na siya, This is my first time to have a blog which is love inspired. Nami-miss ko na siya . Ito din ang unang pagkakataong gumawa ako ng blog na      para lamang sa kanya. Nami-miss ko na siya. At first, di ko alam na magkakaganito ang lahat. Isang "hi" lang sa Facebook, makes my world turns, because of this cute little buzz, nagising ng muli ang puso ko, ayiiiieee. "hi, kamusta?"-sabi ko "ok lang naman babyboo"-sabi niya "ha? babyboo?"-ako "oo :)"-siya napangiti ako, I do not know why, assuming lang talga yata ako, pero iba eh, at that point all were started. Kilala ko ang sarili ko, alam ko ang mga gusto at ayaw ko, and absolutely, I REALLY LOVE MYSELF. kaya naman sa mga pagkakataong yun, habang magkausap kami, napakagaan na ng loob ko sa kanya, parang we've met na. Yung tipo bang magakaibigan na kayo ng mat...