Those Little Voices...
Hawak hawak at pilit ko na namang iniintindi tong mga aklat na to. Huwag na kayong sumigaw. Mahal ko kayo. Don't be jelous. Okay?
Almost two weeks din yung sembreak. Masaya. Relax ang mind, but the time has come, eto simula na ulit ng sem, at second semester na nga, akalain mong I've done 5 semester na in a row. I can't believe, dati lang kasi iniisip ko kung anu yung i-ta-take up kong course, and now, eto na, dalawang sem na lang ang natitira, ga-graduate na ko. I WILL BE A CPA na. matutupad na lahat ng mga pangarap ko.
Palaging may mga maliliit na boses na bumubulong sakin na wag kong bibitawan ang lahat ng aklat na mabasa ko hanggat di ko ito naiintindihan, those small creatures na nakalambitin sa dalawa kong tenga,bumubulong, tumutulong. My imagination is now taking place, alam ko na ang mga nilalang na ito ang dahilan kung bakit kailangan kong pagbutihan ang pagaaral ko, para kasing sila yung mga inspirations ko, oo sila na nga, sumapi lang yata. tawa.
Jusko, nililibang ko na lang tong sarili ko, tumatakas na naman ako sa mga responsibilities ko, hawak ko na naman tong keyboards at tipa ng tipa ng mga bagay na ang tanging isip ko lamang ang nagpapagalaw.
Ang nakakatakot, nakatitig sakin tong mga maliliit na nilalang, habang katabi sila nitong keyboard ko, nakapatong sila sa mga aklat, naghihiyawan, tinatawag na ko, gabi na daw, and I need to accomplish my task first, ayun pakiramdam ko naiingit sila dahil etong si mr. keyboard na naman tong hawak hawak ko. "you need to be a CPA boss!" sigaw nung isa. kumana naman yung isa sa may baso, "boss yung isa po di niyo pa tapos! tapusin niyo na ba. inaantok na din kami boss!" nginingitian ko lamang sila. Wait guys-- unwind muna.
Humihikab na ko, and nakikita ko na sa mga talukab ng mata ko ang mga stars sa big back shiny skyu, ayan sinusundo na nila ko, inaangat na nila ang mga daliri ko sa keyboard, inaabot na nila sakin ang takip ng mahiwaga kong calculator, at hinihipan na nilang unti unti ang mga pahina ng aklat upang ito ay sumara. Galing talaga nila no.
Gabi na pala, and I know na may bukas pa ulit, bukas na kailangan para matapos ko tong second semester na to, bukas na puno ng kaalaman, bukas na puno ng kaba, bukas na kailangang mahalin, bukas para sa akin kasama nila.
Eto pa nga yung mahirap, anu ba yan St*pid. Iniisip ko pa lang tong mga dadating na subjects naiiri na ko, pero anu ba sakin yang mga yan, eh yung 5 sems nga nakaya ko, infairness mas matindi yung pagpigil ko ng iri ko dun kasi may cut-off pa nun, but now, face the reality, be positive, kaya mu yan dude, andiyan kaya sila!
Yung mga little creatures ko nag-wa-wave na ng mga kamay nila, inaantok na din daw sila. Bukas ko na daw to ituloy. Nod lang is the answer. Pinatay ko na ang ilaw at electricfan para di na nila ko makita at akalaing tulog na.
Control S.
after 15 minutes. Open. Turn the lights on. Malamig naman kaya bintanana lang yung bubuksan ko, fresh air pa.
Yan, naunahan na nila ko matulog, at mabuti naman yon, ako, parang nawala yung antok ko, and what I'm going to do is to read again, ang maganda lang dito dapat wag silang magising. Careful boss, careful.
Kahit mahirap go lang. Pag may dreams ka walang imposible.
another Control S, wala na kasi akong masabi, kasi magbabasa na ko, at ang mahiwagang calculator ko naman ang madadampian ng makakati kong daliri.
"boss nakikita ka namin, Magpahinga ka naman!" sabi nung isa.
Comments
Post a Comment