Tatlong oras mahigit ang byahe papunta sa kanya. Manggagaling pa ako ng probinsya. Tumayo at ihanda ang aking sarili, magbihis, kumain. Dapat mayroon akong pera sa bulsa. At higit sa lahat, kailangan kong ibukas ang isip ko't gawing handa sa kung anu man ang makikita ko sa lugar niya. Handa na akong harapin siya. Bata pa lamang ako, naririnig ko na siya, akala ko ngat ito'y parang isang tindahan lamang, naririnig ko na mura daw doon, madaming tao, maingay, mapanganib.Mapanganib? Marahil Oo, Siya ay nasa pusod ng Maynila, kuta ng mga opurtinad at ng mga masasamang loob, nasasayo din naman kung paano mo titingnan, kung optimistiko ka, sa pagbubukas ng kapalaran, at kung pesimistiko ka, isipin mo lahat ng kasamaan. Pang ilang beses ko pa lamang siya napuntahan, Sa unang pagkakataon, natatakot ako, ilang paninigurado at pagpeprepara ang ginawa ko bago ako bumyahe papunta sa kanya, pinaghiwahiwalay ko ang aking mga pera, nagbaon ako ng tinapay at iniayos ko ang aking itsura. ...
Comments
Post a Comment