Posts

Showing posts from October 23, 2011

pasakalye:

Nice meeting you— Niño nga pala! Nag b-blog na ko dati, high school pa lang, magbuhat nga nung pumasok ako ng teatro, gusto ko ng pasukin lahat pati na rin yung ginagawa ng mga kasamahan ko, gusto ko ng sumulat ng script, gusto ko ng gumawa ng melody ng kanta. Yung mga ganong bagay ba. Feeler kasi ako. Bakit ba, gusto kong i-explore lahat ah. Lahat ng pumasok sa isip ko gusto ko naka-article, gusto kong i-share. More on kathang isip minsan ang mga sinasabi ko, ewan ko kung bakit, kasi baka gusto kong maranasan kung anu man yung iniisip ko na yun. Basta ang iniisip ko din kasi eh yung mga bumabasa ng blogs ko, gusto ko makarelate sila, at gusto kong maimulat ang isip nila sa mga isyung hindi naman nila napagtutuunan ng pansin. Over acting ako, inaamin ko yan—eto ako eh. Just do accept me. Enjoy reading. Enjoy browsing. I cant thank you enough-sabi ni blossom J

HUSTISYA (justice)

“Justice for J.B, Justice for J.B, Justice for J.B,hahahahaha” Kapit kamay ang tatlong bata habang sinisigaw ang mga linyang ito. Nasa kabilang dulo naman ng daan katabi ng tricycle ang isang batang lalaki. Pagod na pagod akong naglalakad dala ang dalawang timba ng tubig pauwe samin. Sa daan, halos ang mga bata na ang silang may control. Takbo dito, takbo doon, sigaw dito, sigaw doon, tulak dito, tulak doon. Maingay sila. Masaya. Naalala ko nung araw, nakita ko kasi yung sarili ko sa mga bata, Masaya. Yung mga ginagawa’t sinasabi nila na sila lang mismo ang nakakaintindi, na sila lang mismo ang nakakaalam. Gusto kong balikan. Kapag bata ka kasi, iyo ang mundo, hawak mo ito ng mga palad mo, ikaw mismo ang magpapaikot, ikaw mismo ang kayang magpatigil nito. Ang alam kong laro noon eh, patintero, tagaang base, pwera sa likod(tagutaguan to), at madami pang iba, maski nga gagamba at uwang ginagawa kong laro, pinaglalaban ko sila sa stik ng barbeque, diba weird, minsan kasi wala akong ka...

Ako nga pala si Elsa--

limang minuto makalipas ang ika labing isa ng gabi. Tumitilaok na ang mga tandang. Dinig ko ito sa kalayuan. pauwi na  ko galing sa simbahan. Katatapos lamang ng ensayo para sa aming pag awit sa mahal na patron sa fiesta. madilim ang paligid. nagngangalit ang mga ngipin ng mga naglipanang aso sa kalye. mainit ang dampi ng hangin sa aking pisngi. maalinsangan ang pakiramdam kahit gabi na. tingin sa relo. mag aalas dose na ng marating ko ang aming barong barong. umuubo si ama habang nakabaluktot na nakatungo sa papag. si inay, humahabi ng basahan.  yun nga pala ang trabaho ni inay, ang pagagawa ng basahan, napagaralan niya yon noong magkaroon ng programa dito sa sitio na nagbibigay kabuhayan para sa mga mamamayang walang pinagkakaitaan. Si ama nga pala may iniindang karamdaman, may kanser siya sa baga, namana daw, daw sabi niya. at sa tuwing uubo siya, tila ba may gustong sabihin, nahihirapan na siya.ramdam ko na.  inabot ko ang kamay ni ina at nagmano, tinanong ako kung ...

Kamusta?

KAMUSTA? Nangangamusta na naman sila. Pilit na nagpaparamdam. Maingay. Nakakabingi. Nakakabulahaw. Dalawin na naman na sana ako ng antok ng maibsan tong pagod na nararamdaman ko dahil sa inyo. Buong maghapon kayo ang aking naririnig, sa mga sinasabi niyo na pilit ko namang iniintindi. Naiintindihan ko kayo. siguro nga'y gusto niyo na ding magpapansin para naman makuha ninyo yung atensyon namin. Upang ng mabahala kami. Totoo, kami ang mali , masyado kaming nang-abuso (patuloy na nang-aabuso) kaya naman sa sarili ko tanggap ko na kung ano ang mangyari sakali mang patuloy kayong mangamusta't bumisita samin. Mangamustsa't bumisita samin. Oo palagi kayong tuloy dito (wag lamang madalas). Paano ba naman kasi ang laki din ng pakinabang namin sa inyo. Sa mga sakahan, ng patuloy na yumabong ang mga halaman, ng patuloy na may makain kami. salamat. Sa dagat, ng maibsan man lamang at sumingaw ang dumi nito, na walang hanggang agusin to sa kabilang panig ng bilog. salamat. Salamat...