Ako nga pala si Elsa--

limang minuto makalipas ang ika labing isa ng gabi. Tumitilaok na ang mga tandang. Dinig ko ito sa kalayuan.

pauwi na  ko galing sa simbahan. Katatapos lamang ng ensayo para sa aming pag awit sa mahal na patron sa fiesta. madilim ang paligid. nagngangalit ang mga ngipin ng mga naglipanang aso sa kalye. mainit ang dampi ng hangin sa aking pisngi. maalinsangan ang pakiramdam kahit gabi na.

tingin sa relo. mag aalas dose na ng marating ko ang aming barong barong. umuubo si ama habang nakabaluktot na nakatungo sa papag. si inay, humahabi ng basahan.
 yun nga pala ang trabaho ni inay, ang pagagawa ng basahan, napagaralan niya yon noong magkaroon ng programa dito sa sitio na nagbibigay kabuhayan para sa mga mamamayang walang pinagkakaitaan. Si ama nga pala may iniindang karamdaman, may kanser siya sa baga, namana daw, daw sabi niya. at sa tuwing uubo siya, tila ba may gustong sabihin, nahihirapan na siya.ramdam ko na.
 inabot ko ang kamay ni ina at nagmano, tinanong ako kung kumain na ko, sumagot ako, “Oho” may libre kasing pakain doon sa simbahan pag malapit na ang fiesta, sa katunayan dinalan ko si ama ng lugaw para maipang tawid gutom, kasya nila to inay. maghati na lamang sila.

ako nga pala si Elsa. Mag lalabing siyan na taong gulang na ko sa susunod na buwan. dalawa kaming magkapatid, si Kuya Baldo nasa Marinduque na siya kasama ng asawa niya at ng isang anak, humiwalay na siya samin, kaya ako na lang ang natira upang tumingin kila inay.

Isinalin ko sa magkok ang dala kong lugaw, iniabot ko kay itay, Pinatigil ko na at pinagpahinga si ina sa paggawa niya ng basahan, inumaga na siya at tila ba hapong hapo na.
Ilang araw ko na ding nakikita si inay na balisa, tila ba may nararamdaman na pilit niyang ikinukubli. Isang araw nga habang nagsasampay siya ng damit sa bakuran napansin ko ang isang malaking pasa sa balikat niya. di ko pinansin, sunod na araw, sa may paa. hanggang sa lumaon, padami ng padami. nabahala na ko't tinanong ko sya, ayaw niyang magsalita. inalog ko ang kanyang mga bisig, at pumatak laamang ang kanyang luha, sabay iling at salita ng “wala.” iba na ang naglalaro sa isip ko noon, iba na din kasi ang kulay ni inay, parang nagkukulay suka na siya sabay ng pagpapalit ng mga araw.


tatlong araw na lang kapistahan na. abalang abala ko sa paglilinis ng bahay, ganon kasi ako eh, gusto ko palagi akong may ginagawa.habang winawalis ko ang ilalim ng papag ni ama, may nakita akong papel, reseta ng doktor, pero lahat ng nakasulat ay gamot para sa dugo. kinutuban na ko. kinabahan. wala si ina, diniliber ang mga basahang nagawa niya sa palengke. napatingin ako sa malayo. si ama ayun, hinihimas ang alaga niyang tandang, at sinasasal ng ubo. tinago ko ang reseta.


Ni hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon pang makausap si ina, naging puspusan na kasi ang pageensayo namin sa pagawit. makikita ko lang si inang tulog  at paggising ko naman wala na siyat nakapagtinda na, si itay na lang ang palagi kong namumulatan at napapakinggan.

kapistahan na, di pa man sumisikat ang araw eh dinig mu na ang lagitikan ng mga kawali't syanse ng mga kapitbahay, dinig na din ang banda ng musikong nagpapasyo sa may kabilang kanto, amoy na ang mga pinapakuluang buto buto. agad agad akong tumayo upang magbihis dahil kami ang unang aawit sa unang misa, gising na din si ama, ganon pa din, ubo ng ubo, hawak ang tandang, umiiyak, umiiling. nagulat ako’t nabigla "Ama, si inay?" aayain ko sana siyang sumama sakin at makapagsimba kaming dalawa. walang sagot si ama. Tinungo ko ang mata kung saan nakatitig si ama.Tumilaok ang bitbit niyang tandang…

isa, dalawa, tatlong hakbang mula sa kinalalagyan ko nakita ko si inay, nakabulagta at walang malay. tumakbo ko't binuhat siya patayo, di ko na alam ang gagawin ko, wala si kuya, di naman makakilos sa kinauupuan niya si ama, magulo na ang mga tao sa labas, maingay na ang paligid, nagpapaputok na ng kwitis ang mga tanod, naghahagigikan na ang mga bata, salimbayan na ang mga musiko. di ko na madinig ang paligid ko, di ko na madinig ang ubo ni itay. di ko na madinig ang pulso ni inay, ang pulso ni inay. Di na tumitibok.


hindi ko inaasahan ang lahat ng nangyari, hindi alam ni kuya ang sinapit ni inay. di na tuluyang nakapagsalita si ama, tanging hangin na lamang ang lumalabas sa kanyang mga salita. di ko na malaman ang gagawin ko. nakatali na ang tandang ni ama sa gilid ng kanyang papag. ang mga gamit pang basahan ni inay ay nakasabit na lamang sa lumang sampayan. nakatingin ako kay ama't hinugot ko sa aking bulsa ang reseta. umiling siya. umiling siya, kinuha sa kamay ko at bumulong sa akin, "hindi ba nabanggit sa iyo ng iyong ina?"


iyon na yata ang tanong na nakapagpatigil ng ikot ng mundo ko, ang tanging nagawa ko lamang ay agawin ang reseta at lukutin ito't tilasin sa pinakamaliit na piraso.

magiisang buwan ng wala si inay, pasko naman ang susunod, ginawa ko ulit abala ang sarili ko, kakanta kami sa simbahan ng sunod sunod na misa sa simbang gabi.

papauwiin ko na si kuya.
aalagaan ko ng mabuti si ama.
nagising akong hawak ang mga retaso ng basahan ni inay na nakabalot ang resetang tilas tilas, isang gabi, bago magpasko.
Tumilaok ang tandang.

Maingay ang paligid. humihiyaw ang mga bata.nagtatawanan ang mga tao. nagtitilaukan ang mga manok. umuugong ang mga radyo.Nagkakantahan ang mga matatanda, Di ko na madinig ang ubo. Itay? Sigaw.



Comments

Popular posts from this blog

HIMALA

pasakalye:

Gayuma ng Divisoria...