kwento-ARTE-kwento
"Setyembre labing siyam pitumpot dalawa, ideneklara ang batas ng hari sa pilipinas, batas ng pagpatay, pagdukot at pagpapakasakit, hangarin daw nitong mapaunlad ang bansa, ngunit mapapaunlad niya ba ito, kung nagpapabaha siya ng dugo at nagpapaulan siya ng bala? naging marahas siya naging marahas ang hari"-pinakadamang dama kong linya sa pinakapaborito kong dulang ginawa,-Alas Tres Y'Media Nakaraan...
Mahilig akong gumawa ng mga hindi kapani-paniwalang kwento, sa totoo lang magiging YES MAN ka sakin pag kausap mo ko (weh, daw sabi ng mga kaibigan ko) totoo yun, maski sila nga pag kinukwentuhan ko,super paniwala. maiyak iyak pa. matulo-tulo pa ang sipon, malaglag laglag pa ang mga hawak hawak. ewan ko kung anung meron sakin, AKTOR nga ako--
nagkaisip ako, lumawak. Napadpad ako sa mundo ng teatro.
isa, dalawa, tatlo, curtain---
diyan ako namulat sa sigaw ni direk roxy, na kalaunan ako na din ang sumisigaw niyan. ayos ba?
sa bawat linya, sa bawat tama ng mga ilaw, sa bawat palakpak at sigaw ng mga tao, nabubuo ang pagkatao kodahil dun ko nararamdaman ang kapalit ng mga hirap at sakripisyong binubuhos ko, para sa mga tao, para sa iyo, nang maiparating ko ng mabuti ang tunay na mensahe ng dula ko.
Yung araw araw mong ginagawa? teatro yan. ikaw kasi ang gumagawa ng sarili mong sasabihin, ang sarili mong igagalaw at ang sarili mong posisyon, minsan, isang araw, sabihin mo sa sarili mong iibahin mo ang script mo pati ang blockings---- tiyak maninibago ka. mahirap kasing hindi mo alam ang ginagawa mo. mahirap ding masabihang mukha kang tanga. na BALIW ka.
oo baliw.
yan din minsan yung nasasabi ko sa sarili ko eh, yung mga simpleng bagay kasi na gingawa ko. OA sa mga nakakakitang tao. bakit ganon? napakalaki na yata ng impluwensya sakin ng teatro. maski nga paglalakad ko, inspired ng teatro, pati pag upo at pati pagsasalita. mainam. mukhang perpekto.
Impluwensyang mga di ko namn pinagsisisihan. totoo yon. dahil kasi doon, naging maayos akong tao, (konti lang)
masaya umarte--wag lang sosobra
minsan itry mo kasi, malay mo yan na pala ang break, na kahit konti eh mag bago ka---itutuloy
Comments
Post a Comment