keep me in SILENCE--


sa ikalawang pagkakataon,
sa ikalawang beses,
sa ikalawang pagsubok,

nagising akong pawis na pawis at tila hinahabol ang hininga, hinipo ko ang aking dibdib na para bang may humahampas sa bandang likuran, nakita ko na naman siya,. nakita ko na naman sa panaginip ko, si , anu nga bang pangalan niya, hindi ko matandaan, basta ganito ang kwento..

nakaupo ako sa isang puno malapit sa duyan sa likod bahay bago ako matulog nung gabing iyon, may tumawag sakin sa telepono, sinagot ko, siya pala, pilit na sinasabing mahal niya ko, mahal niya ko mahal niya ko. pero panu ako maniniwala? sa ginawa niya sakin. na Diyos na lang ang nakakaalam. Mahirap sabihing dama niya ang kanyang sinasabi.binaba ko ang telepono.


halos lahat na yata ng santong kilala ko eh tinawag ko na, may dala siyang kutsilyo. hinabol niya ko. desperado. kawawa. uniiyak. humahagulgol. naninigas ang mga daliri ko sa paa. yun lang ang tangi kong mga nararamdaman, pati ang lapot na lapot kong pawis na tumatagas patungong unan. balisa. 


sa tuwing magkakaroon ako ng relasyon, mga 3 araw pagkatapos, lumalabas siya sa panaginip ko, si, na laging ganon lang naman ng ganon ang ginagwa, habol, sigawan, iyakan.


hindi naman ako nagsisisi kung bakit kami nagkahiwalay, siya din naman ang may kagagawan kung bakit ganoon ang nangyari. HINDI KO NA KASALANAN yun. ang mahalaga kung anu ang kasalukuyan, mahirap ng balikan ang nakaraan at lalong mahirap tingnan ang hinaharap.


kalimutan mu na ko. masaya na na ko. kung sino ka man, patahinikin mu na ko.....


(trial) :)

Comments

Popular posts from this blog

HIMALA

Gayuma ng Divisoria...

pasakalye: