Acknowledgement***

Isang taon na naman ang nakalipas.
Isang taon na puno ng maliligayang araw at payak na pag-asa.
Isang taon ng mga kasawian at kalungkutan.
Isang taon na nakapagpabago sa mundo, sa AKIN.

Masayang mabuhay lalo na kapag kasama mo ang mga taong nagpapahalaga at tunay na nagmamahal sayo, napakasarap dahil higit pa sa inaasahan mo ang kanilang mga ipinaparamdam, napakasarap sapagkat kapiling mo sila, kapiling mo Siya. Labis akong nagpapasalamat sa Kanya dahil sa isang taon na nagdaan, napakadaming karanasang nakapagpatibay pa lalo ng aking pagkatao. Salamat Po.

Itong papasok na taon, inaasahan ko sa sarili kong magbabago ako higit pa sa inaakala ko. Siguro yung iba diyan eh magtataas kilay lamang, bahala na lamang kayo, alam ko sa sarili ko ang magagawa ko, kayo ba?

Labing siyam na taon na din pala ang nakakaraan matapos akong isigaw ni Nanay, at labing siyam na taon na din pala kong nakikinabang sa mga biyaya Mo, labing siyam na taon ko na ding kinikilala ang sarili ko, labing siyam na taong nabubuhay, nagmamahal at nagpapaligaya. Kung hindi rin naman lamang Sayo eh aano pa ko dito?

Maging masaya at positibo lang naman araw araw ang gusto ko para matapos ang araw ko ng maayos at maganda, kapag hindi nangyari, wala, ilang beses lang naman yun nangyari, tiyak na mababawasan pa to sa papasok na taon, ipinapangako ko.

Di naman na ko humihiling pa ng mga nais ko, ibinibigay Mo naman kahit hindi ako humihingi eh. Hindi na rin ako maghahangad pa ng kung anung materyal pang mga bagay, maging masaya nga lamang eh ayos na, yun na mismo magdadala sa yo sa mga kagustuhan mo, obserbahan mo minsan, ngumiti ka lamang, magugulat ka pa.

Pagbibigay pugay...
our first family photo as a whole---(04/18/2010)
Sa pamilya kong walang sawang sumusoporta at patuloy akong minamahal, wala na kong mahihiling pa, wag lang kayong mawalay sa akin. Mahal ko kayong lahat. Sa Nanay kong mula ng isigaw ako't hindi pinabayaan kailanman na karamay ko sa lahat ng pighati at tagumpay, hindi kita mapasalamatan ng ganito lamang. Sa tatay kong napakalayo sa piling ko ngayon, naubos na ang kabataan nila ni nanay ng hindi magkasama, konting tiis na lamang. Sa Kuya kong sala sa init sala sa lamig, hindi mo alam kung gaano ako ka-proud sayo, kahit minsan ay hindi tayo magkasundo, alam ko namang ipinagmamalaki mo din ako. Kay Ate na hindi din nagsasawang maging proud sakin, salamat, kahit wala ka dito sa tabi ko, ikaw pa din ang aking secret keeper. Kay Issa na laging nasa tabi ko para pangitiin ako at i-cheer. Sa mga halos baliw kong kaibigan, Salamat. Sa mga nakadaupang palad ko, lahat ng naktanggap ng pagbabahagi ko ng talento, salamat sa inyo, sa mga nagturo sakin kung paano maging tao, sa mga pangalawang magulang ko sa eskwelahan, at sa mga taong dumampi sa buhay ko at hindi ako iniwan, salamat ng husto, maging sa mga nawalay.

Mayroon mang mga kabiguan, hindi naman ito mga naging hadlang sakin, bagkus ito pa nga ang mga nakapagpatibay sakin bilang tao. Wala na kong mahihiling pa, Gabay na lamang at pagkalingang patuloy na mangagaling Sayo, ayos na ko.

Isang taon na dapat paghandaan.
Isang taon na naman ng Pag-asa at kaligayahan.
Isang taon ng tapang at lakas.
Isang taon para aking pasanin at pagtagumpayan.
Isang taon ng mga positibong posibilidad!
AMEN!

Comments

Popular posts from this blog

HIMALA

pasakalye:

Gayuma ng Divisoria...