Posts

Showing posts from 2011

Feel Happy All The Time this 2012, Follow These 5 Tips!

Image
We may say a person cannot BE happy, but can FEEL happy.  What is it that makes you feel happy? A great job? Lots of money in the bank? A fulfilling relationship? Normally, when you get what you want, you feel happy, but immediately lose that feeling when that thing you wanted disappears; and it eventually will, as life is change and most probably, what you enjoy today will not be there tomorrow. So, how would you feel if you knew you don’t need anything to feel happy all the time?  How would you feel if you discovered a way to feel happy even after losing what you cherish the most right now? Believe it… it is possible!  There is a way to feel at peace and content regardless of your external situations.  The secret is to bring happiness into your daily life activities instead of trying to extract it from these, and you can learn to do this easily! Follow these 5 tips and stop pulling the world’s strings up and down to make yourself happy. 1. ...

Acknowledgement***

Image
Isang taon na naman ang nakalipas. Isang taon na puno ng maliligayang araw at payak na pag-asa. Isang taon ng mga kasawian at kalungkutan. Isang taon na nakapagpabago sa mundo, sa AKIN. Masayang mabuhay lalo na kapag kasama mo ang mga taong nagpapahalaga at tunay na nagmamahal sayo, napakasarap dahil higit pa sa inaasahan mo ang kanilang mga ipinaparamdam, napakasarap sapagkat kapiling mo sila, kapiling mo Siya. Labis akong nagpapasalamat sa Kanya dahil sa isang taon na nagdaan, napakadaming karanasang nakapagpatibay pa lalo ng aking pagkatao. Salamat Po. Itong papasok na taon, inaasahan ko sa sarili kong magbabago ako higit pa sa inaakala ko. Siguro yung iba diyan eh magtataas kilay lamang, bahala na lamang kayo, alam ko sa sarili ko ang magagawa ko, kayo ba? Labing siyam na taon na din pala ang nakakaraan matapos akong isigaw ni Nanay, at labing siyam na taon na din pala kong nakikinabang sa mga biyaya Mo, labing siyam na taon ko na ding kinikilala ang sarili ko, labing siyam na t...

Those Little Voices...

Image
Hawak hawak at pilit ko na namang iniintindi tong mga aklat na to. Huwag na kayong sumigaw. Mahal ko kayo. Don't be jelous. Okay? Almost two weeks din yung sembreak. Masaya. Relax ang mind, but the time has come, eto simula na ulit ng sem, at second semester na nga, akalain mong I've done 5 semester na in a row. I can't believe, dati lang kasi iniisip ko kung anu yung i-ta-take up kong course, and now, eto na, dalawang sem na lang ang natitira, ga-graduate na ko. I WILL BE A CPA na. matutupad na lahat ng mga pangarap ko. Palaging may mga maliliit na boses na bumubulong sakin na wag kong bibitawan ang lahat ng aklat na mabasa ko hanggat di ko ito naiintindihan, those small creatures na nakalambitin sa dalawa kong tenga,bumubulong, tumutulong. My imagination is now taking place, alam ko na ang mga nilalang na ito ang dahilan kung bakit kailangan kong pagbutihan ang pagaaral ko, para kasing sila yung mga inspirations ko, oo sila na nga, sumapi lang yata. tawa. Jusko, nililiban...

Gayuma ng Divisoria...

Image
Tatlong oras mahigit ang byahe papunta sa kanya. Manggagaling pa ako ng probinsya. Tumayo at ihanda ang aking sarili, magbihis, kumain. Dapat mayroon akong pera sa bulsa. At higit sa lahat, kailangan kong ibukas ang isip ko't gawing handa sa kung anu man ang makikita ko sa lugar niya. Handa na akong harapin siya. Bata pa lamang ako, naririnig ko na siya, akala ko ngat ito'y parang isang tindahan lamang, naririnig ko na mura daw doon, madaming tao, maingay, mapanganib.Mapanganib? Marahil Oo, Siya ay nasa pusod ng Maynila, kuta ng mga opurtinad at ng mga masasamang loob, nasasayo din naman kung paano mo titingnan, kung optimistiko ka, sa pagbubukas ng kapalaran, at kung pesimistiko ka, isipin mo lahat ng kasamaan. Pang ilang beses ko pa lamang siya napuntahan, Sa unang pagkakataon, natatakot ako, ilang paninigurado at pagpeprepara ang ginawa ko bago ako bumyahe papunta sa kanya, pinaghiwahiwalay ko ang aking mga pera, nagbaon ako ng tinapay at iniayos ko ang aking itsura.  ...

Totoong buhay si Mr. Cupid!

Image
1 day after November first. The day was so gloomy and windy. 1:41pm. Nami-miss ko na siya, This is my first time to have a blog which is love inspired. Nami-miss ko na siya . Ito din ang unang pagkakataong gumawa ako ng blog na      para lamang sa kanya. Nami-miss ko na siya. At first, di ko alam na magkakaganito ang lahat. Isang "hi" lang sa Facebook, makes my world turns, because of this cute little buzz, nagising ng muli ang puso ko, ayiiiieee. "hi, kamusta?"-sabi ko "ok lang naman babyboo"-sabi niya "ha? babyboo?"-ako "oo :)"-siya napangiti ako, I do not know why, assuming lang talga yata ako, pero iba eh, at that point all were started. Kilala ko ang sarili ko, alam ko ang mga gusto at ayaw ko, and absolutely, I REALLY LOVE MYSELF. kaya naman sa mga pagkakataong yun, habang magkausap kami, napakagaan na ng loob ko sa kanya, parang we've met na. Yung tipo bang magakaibigan na kayo ng mat...

Passion.

(nagkaroon kami ng isang theater play noong summer class namin sa Humanities, doon lang muli nabuhay ang katawang lupa ko, napakasarap talaga ng ffeeling pag nailalabas mo ang gusto mong iparating--sa play na ito pino-portray ang ibat-ibabg uri ng mga Accountants, and then eto yung napiling roles ng script writer namen, I was so happy when we were making this stage play, kasi halos lahat ng elements ng theater isinama na namin-- sabi nga kasi, LAGI MONG GAWIN ANG BEST MO.) Tauhan: *Accountant XXX , isang mahusay na accountant na magiging isang Controller ng kompanyang pinagtatrabahuhan; matutulak sa korupsyon sa kaniyang propesyon *Accountant EEE , kaopisina ni Accountant XXX; magtutulak kay XXX na gumawa ng illegal na gawain * Ina ni Accountant XXX isang maalagang ina * Pulubi *Chairman * Mga Kapatid ni XXX *Tindera sa Karinderya Unang Tagpo: Opisina ng Kompanya, Meeting ng X Company [May mga taong pawang maaayos ang porma at ang mga itsura at sadyang disente ang tindig. Makikit...

pasakalye:

Nice meeting you— Niño nga pala! Nag b-blog na ko dati, high school pa lang, magbuhat nga nung pumasok ako ng teatro, gusto ko ng pasukin lahat pati na rin yung ginagawa ng mga kasamahan ko, gusto ko ng sumulat ng script, gusto ko ng gumawa ng melody ng kanta. Yung mga ganong bagay ba. Feeler kasi ako. Bakit ba, gusto kong i-explore lahat ah. Lahat ng pumasok sa isip ko gusto ko naka-article, gusto kong i-share. More on kathang isip minsan ang mga sinasabi ko, ewan ko kung bakit, kasi baka gusto kong maranasan kung anu man yung iniisip ko na yun. Basta ang iniisip ko din kasi eh yung mga bumabasa ng blogs ko, gusto ko makarelate sila, at gusto kong maimulat ang isip nila sa mga isyung hindi naman nila napagtutuunan ng pansin. Over acting ako, inaamin ko yan—eto ako eh. Just do accept me. Enjoy reading. Enjoy browsing. I cant thank you enough-sabi ni blossom J