Passion.
(nagkaroon kami ng isang theater play noong summer class namin sa Humanities, doon lang muli nabuhay ang katawang lupa ko, napakasarap talaga ng ffeeling pag nailalabas mo ang gusto mong iparating--sa play na ito pino-portray ang ibat-ibabg uri ng mga Accountants, and then eto yung napiling roles ng script writer namen, I was so happy when we were making this stage play, kasi halos lahat ng elements ng theater isinama na namin-- sabi nga kasi, LAGI MONG GAWIN ANG BEST MO.)
Tauhan:
*Accountant XXX, isang mahusay na accountant na magiging isang Controller ng kompanyang pinagtatrabahuhan; matutulak sa korupsyon sa kaniyang propesyon
*Accountant EEE, kaopisina ni Accountant XXX; magtutulak kay XXX na gumawa ng illegal na gawain
*Ina ni Accountant XXX isang maalagang ina
*Pulubi
*Chairman
*Mga Kapatid ni XXX
*Tindera sa Karinderya
Unang Tagpo: Opisina ng Kompanya, Meeting ng X Company
[May mga taong pawang maaayos ang porma at ang mga itsura at sadyang disente ang tindig. Makikita sa kanilang mga mukha ang propesyonalismo at abilidad. Sa pinakadulo ng mesa nakalagay ang silyang walang nakaupo. Naguusap ang lahat at nagbubulungan pawang nananabik maliban kay X na tahimik na nauupo sa kanyang silya. Hanggang sa may pumasok at nagsipagayos ang lahat.]
[Sa pagkatayo ng Chairman sa mismong bakanteng upuan, tumayo ang lahat sabay bati ng “Good Morning, Mr/Ms. Chairman” at sabay lahat umupo]
C: Managers and officers, I believe you’re all aware of our today’s meeting concern. As of last week’s announcements, alam kong you’re all excited for the good news. Yesterday, there was an official resignation of one of our beloved officers at siya ay, alam naman natin, na may malaking responsibilidad sa loob ng X Company so that leads us here today. So, right now, I would like to state my decision regarding the appointment of our new Controller. (Nagkaroon ng konting bulungan.)
Alam kong ito’y isang malaking responsibilidad at ipagkakatiwala ko ang kompanya sa kung sinuman ang maitalaga ngayon. Gusto kong igalang niyo siya bilang ating bagong Controller and VP Finance at lalo nang tulungan natin siya sa kanyang bagong gampanin. I’ve finally made my decision and from now on, our new Controller will be. . . (Umayos ang lahat.) XXX.
[Biglaang nagkaroon ng komosyon at paguusap sa mga nakaupo. Umingay ang bulungan samantalang si X ay tila may kakaibang reaksyon ang mukha na parang konting may pagkagulat at pagkatulala.)
C: Congratulations, XXX. You deserve it.
X: Ako po?
C: Oo, ikaw nga.
X: (Tatayo at lalapit sa Chairman) Salamat po, Mr/Ms Chairman. Utang na loob ko po sa inyo ito.
C: Alam kong kaya mo ito at ilang taon na rin kitang pinagkatiwalaan at maayos kang magtrabaho. Again, Congratulations.
X: Thank you, sir/maam. (Kakamayan si Chairman)
C: (Sasabihin sa lahat) So let’s congratulate our new Controller of X Company.
[Halata ang pilit na ngiti sa mga nakaupo na tila di makapaniwala. Patuloy na naguusap ang iba tila maraming sinasabi. Binati nila si XXX kahit ganunman. Hindi sila masaya sa resulta.]
[Magkakaroon ng maraming kamayan at salitaan. Tila maguusap ang Chairman at si XXX habang ang mga iba ay naguusap na papaalis sa silid. Sina Chairman at XXX ay aalis din habang naguusap.]
Pangalawang Tagpo: Bahay ni XXX /Exposition/
[Darating si XXX sa bahay. Abala sa kusina ang ina niya samantalang ang mga kapatid niya ay nakakalat sa paligid. Bawat isa ay may sariling ginagawa: may kumakain, may nakahiga, may nanonood ng TV, atbp.]
I: (Makikita ang anak na kauuwi) Oh, nandito ka na pala. Kumusta ang trabaho?
X: Ma, may maganda akong balita.
I: (Abala sa ginagawa ngunit pipiliting tumingin sa anak sa pakikipagusap) Oh, ano ‘yon, anak?
X: Alam mo ‘yung sinasabi kong posisyon sa’yo Ma, ‘nung college pa ako, ‘yung pinakamataas na posisyon bilang accountant.
I: Oo, anak, ‘yung ano ba ‘yun. . . ‘yung. . .
X: Controller, Ma.
I: Oo, ‘yung nga. Oh ano naman?
X: Eh, Ma. Nag-resign ‘yung dati naming Controller tapos ako ‘yung napili ni Mr/Ms Chairman Ma. . . ibig sabihin, Ako na ‘yung bagong Controller ng X Company.
I: Ah, ganun ba. Congratulations, ‘nak. Mukhang narating mo na talaga ‘yung pangarap mo. Alam mo, kung nandito pa ‘yung tatay mo, naku, panigurado proud din sa’yo ‘yun.
X: (Mangingiti) Thank you, Ma. . . Nga pala, Ma, anong ulam natin ngayon?
I: Ah eh. Anak, pasensiya ka na ha. ‘Yung binigay mong sweldo nung isang linggo eh pinambayad ko ng kuryente natin kasi magpuputulan na eh, anak. Hindi naman pwedeng ipagpalipas pa eh matagal ko na ring pinagtutuunan ‘yun. Tsaka ‘yung tuition fee ni RRRR eh kelangan na ring magdownpayment. ‘Yung natirang 500 eh pinambili ko na lang ng gamot ni TTTT, nilalagnat kanina.
X:Ah ganun ba. . . eh. . .
I: Pasensiya ka na anak. Konting tiis na lang. Tutal Controller ka na ng kompanya niyo eh baka sakaling mas lumuwag luwag tayo ano, anak. May natira pa namang tinapay dun sa may kusina.
X: Sige po.
[Hihiwalay sa ina. Aalis na ang ina. Maiiwan si XXX na nakatitig sa mga kapatid. Makikita sa senaryong ito ang kahirapan ng kanilang pamilya at ang mabigat na responsibilidad ni XXX.]
Pangatlong Tagpo: Opisina ni XXX /Entanglement/
[Nakaupo si XXX at sa kanyang harapan ang personal na mesa niya kung saan may telepono. May mga papeles siyang inaayos at abala sa pag-iisip. Biglang tumunog ang telepono. Inabot siya ng ilang segundo bago sagutin ang telepono at halata ang pagkaabala sa ginagawa. Hanggang sa inangat niya na ang telepono.]
X: Hello. (Nakinig.) Sino? . . . Importante. . . Ah, sige, sige. (Sabay baba ng telepono, nag-ayos ng upo at hinintay ang pagbukas ng pinto.)
[Bumukas ang pinto. Pumasok ang isang kasamahan ni XXX sa trabaho. May hawak siyang dokumento.]
X: Oh, bakit gabing gabi na eh ngayon mo pa naisipang dumaan sa office ko. Sa Monday ko pa naman nirerequest yung report sa sales disbursements, di ba?
E: XXX, hindi ‘to tungkol ‘dun. . . Eh, may itatanong lang sana ako.
X: Ano namang tanong ‘yan?
E: Alam mo ‘yung kay Erwin . . . ‘yung usapan sa cubicles sa Accounting Department.
X: Oh. (Bumalik sa pagsusulat sa papel.)
E: Eh, alam mo na. Balita ko andami raw niyang nakulimbat dun. . . At hindi lang daw pala si Erwin ‘yung nakakuha.
X: Sinabi mo pa.
E: Akalain mo ‘yun no? Eh first impression mo palang kay Erwin maala-good Samaritan tapos . . . hindi naman gaanong kagaling eh nakadiskarte pa. Sa higpit ni Mr/Ms Chairman eh nakalusot. Ang galing talaga. Magaling.
X: (Hindi umimik.)
E: Hindi mo naman nabanggit kay Mr/Ms Chairman iyon, di ba?
X: Ah, hindi eh. Sa palagay ko naman kasi eh may mga ilan-ilan ding nakakapandoktor sa mga small allowances at temporary cash funds. Kaya nga lang paunti-unti lang. ‘Yung iba naman technique eh window dressing, alam mo na. Nanghihiram sa funds saka ibabalik ‘pag napakinabangan na. Sandali lang, akala ko ba may itatanong ka?
E: (Saglit na natigil.) Eh ano naman tingin mo ‘run?
X: Huh? Anong tingin mo ‘run?
E: Alam mo na. What do you think about it?
X: (Saglit na natigil.) Eh, wala na akong magawa eh. Parang hindi na rin mapigilan. Ewan ko ba, parang ganun yata talaga. Mahirap nang basagin kapag sama-sama na.
E: Ah. . . (Matagal na tumahimik at sabay tingin sa dalang dokumento na unti-unting nilabas.) XXX, eh nga pala, may pakiusap sana ako sa’yo.
X: Ano ‘yun?
E: (Inabot ang folder kay XXX. May itinuro at luminga linga sa paligid at sa likod at may binulong kay XXX.)
(Saglit na katahimikan ngunit biglang may diin ang reaksyon ni XXX.)
X: Do you mean---
E: (Biglang tayo at lalapitan ang pakikipagusap kay XXX. Mabulong ang mga salita niya.) Oo, pero, alam mo naman . . . wala namang problema sa’yo. You’re the Controller, di ba? Tsaka wala naman ‘yan. Kumbaga isang beses lang. Pagkayari nito, wala na. Wala na. Wala na talaga. . . Basta ngayon lang. Ito lang. Please.
X: (Malalim ang pagiisip.) Pero, EEE, hindi ko gawain ‘to. Hindi ko kayang gawin ‘to.
E: Kaya mo, ayaw mo lang. Pero isang beses lang naman.
X: (Tahimik.)
E: Alam mo bang makukuha natin diyan? Kalahating milyon, XXX. Kalahating milyon. Kaya mong paglahuin yan ng parang bula. Kayang kaya mo. Sisiw lang. Isipin mo ha---
X: Pero---
E: Walang pero-pero. Basta walang makakaalam ah. Saan ka makakakuha ng kalahating milyon ng ganyan kadali? Malaki ang hati mo diyan, XXX. You just have to say YES then do it. We’re partners, you know. . . (Titingin sa relo.) Oh, kailangan ko nang umuwi. Gabi na. . . Basta aasahan kita. Sige, alis na ‘ko.
[Umalis si EEE. Naiwan si XXX sa opisina. Sabay hawak sa noo.]
Pang-apat na Tagpo: Bahay ni XXX /Complication/
[Nakatayo sa may tabi ang ina ni XXX abala sa gawaing bahay. Darating si XXX galing sa trabaho.]
I: Oh, mukhang napapadalas ang pag-uwi mo ng gabi.
X: (Makikita ang pagod sa mukha at hindi sasagot.)
I: Huwag kang masyadong magpapakapagod aba. Ang trabaho napapalitan, ang katawan hindi.
X: Kailangan lang, Ma. Hindi ako pwedeng tumigil. Kailangan ko lang magovertime ulit kanina. (Uupo sa may gilid. Magpapahinga.) Maraming mga gawain sa kompanya ang inaasahan sa akin. May mga kompanyang nais palakihin ang interest sa aming kompanya, kailangan kong protektahan ang shares ng X Company.
I: Eh sige. Basta alagaan mo sarili mo. Hindi habang panahon eh malakas ang katawan mo. (Tila may maririnig sa kabilang silid at mawawala sa tagpo.)
[Papasok ang mga magkakapatid parehong nagtatalo. Malakas ang kanilang boses at nagaaway.]
K1: Akin na ‘yan! Sabing akin na ‘yan eh!
K2: Ano ba, tumigil ka nga. Akin ‘to.
K1: (Patuloy ang pakikiagaw) Akin na kasi! Ang kulit mo! Hindi naman sa’yo kaya akin na!
K2: (Nagpupumiglas) Bitawan mo! Sinungaling ka!
K3: Hoy! Tigilan niyo yan. Baka mag blah blah----
K1: Ate, siya ‘yung nauna. Paano kasi ‘yung blah blah---
K5: Ano ba kayo. Gabing gabi na blah blah blah---
[Maguumapaw ang ingay sa bahay. Halos hindi na magkamayaw ang bawat isa. Si XXX ay nasa sulok ‘tila malapit ng mapuno.]
I: Tumigil na nga kayong mga bata kayo---
[Patuloy ang ingay na nakakatulig hanggang sa magdadabog ng kamay at magtataas nang boses si XXX.]
X: Tama na!!! (Malakas na malakas ang pagsinghal niya. Mapapatigil ang magkakapatid.) Pwede ba kahit sa isang saglit ay tumahimik naman kayo! Gabing gabi na. Lintik na buhay ‘yan, oo. Magaraw, maghapon, maggabi ka nang nagtatrabaho tapos ito pa ang aabutan ko! Parang awa niyo naman. Hirap na hirap na ako sa trabaho ko tapos may gana pa kayong mag-away. Alam niyo ba kung anong ginagawa ko ro’n, ha! Ni hindi na nga ako makatulog o makasandal lang para magtrabaho. . . para pakainin kayo. . . para kumita para sa inyo at ganito pa ang ipapakita niyo. Mga wala kayong awa. Katahimikan na nga lang ang hinihingi ko. . . Hindi niyo pa maibigay!
I: (Palapit kay XXX) Anak, bakit ka nagsasalita ng ganiyan. Hindi naman kita pinalaki ng ganiyan. Wala kang ka---
X: At ano Ma, ha. Wala akong karapatan? At kailan nga ba ako nagkaroon ng karapatan. Kailan niyo nakita ang bawat bagay na ginagawa ko para sa inyo, ha. Kailan! Wala, hindi ba. Hindi niyo alam ang bawat hirap na hinarap ko mula ng namatay si Tatay. Lahat iniasa niyo sa akin. Lahat nakapasan sa likod ko. Ang hirap hirap no’n pero hindi ko narinig sa inyo na naging responsable ako. Pero hindi na, hindi ko na ipagpipilitan pa sa inyo.
I: Pagkatapos ka naming palakihin ng maayos ng ama mo ganyan lang ang sasabihin mo! Papunta ka pa lang, pabalik na ako.
X: Maayos? Anong alam niyo sa pagpapalaki ng maayos? Araw-araw nga eh walang tigil ang bangayan dito. Walang makain. Walang maayos na lugar. Tanging ang sweldo ko lang ang pinaghuhugutan ko ng gastos, ng ulam, ng bigas, ng bayad sa kuryente, sa tubig, tuition fee ni RRRR. Lahat! Paano ba naman kasi ang dami pa naming magkakapatid. Kung hindi pa sa sarili kong pagsusumikap, malamang matagal na rin akong namatay dito. Kulang na lang sumunod na ako kay Tatay. Kaya huwag kayong manunumbat dahil matagal na akong nakabayad sa inyo.
I: Ikaw ba ‘yan, XXX? Ikaw ba ‘yan? Tingnan mo nga ang sarili mo. . . Tingnan mo. Aba, huwag mong sabihing naging Controller ka lang sa kompanya niyo eh akala mo’y ako pa ang lumabas mula sa’yo. . . (Manghihina ang boses.) Ang taas mo na, XXX, at sana sa huli, malaman mo kung anong mas importante sa buhay mo.
[Sabay aalis ng malungkot ang ina sa tagpo samantalang ang magkapatid ay tuluyang nakatayo at napahiya. Si XXX maiiwan ng walang imik at galaw.]
Pang-limang Tagpo: Opisina /Crisis/
[Maglalakad si XXX tila may iniisip at magkikita sila ni EEE.]
E: Oh, XXX. Mukhang ang lalim yata ng iniisip natin ah. Tungkol ba ‘yan sa desisyon mo?
X: Hindi naman pero. . . napagisip-isip ko na rin.
E: Na ano? Gagawin mo na ba o hindi?
X: Ah. Eh. Hindi ko alam kung dapat pero. . . sige. Gagawin ko na. Napagisip-isip ko na rin.
E: So, do we have a deal?
X: Yes. We have a deal.
E: Alam mong wala dapat makaalam nito lalo ni si Mr/Ms Chairman kundi pareho tayong matotodas dito. So, ganito ‘yung plano. . . (Waring nagsasalita ng maraming bagay. Malalim ang paguusap.)
Transition: (Action or Narration)
[Lilipas ang mga buwan. Patuloy ang korupsyon sa propesyon ni XXX at ang kasamahan niya. Naging patuloy na raket ito kung saan nahumaling sila. Kumikita si XXX ng limpak na salapi mula sa pandodoktor ng mga financial statements ng kompanya. Ipapakitang palaki ng palaki ang pangungulimbat nila mula sa assets ng kompanya. Ipapakita rin dito na ang kaniyang mga salapi ay kaniyang lulustayin sa mga pasugalan at magpapakasasa rito kasama ang kaniyang masasamang kaibigan na ‘tila naging malapit sa kanya simula ng siya’y naging Controller ng kompanya.]
Pang-anim na Tagpo: Kalsada
[Makikitang naglalakad si XXX sa kalsada. Sa tabi ay ang isang batang pulubi na tila nakatitig sa tindera sa karinderya. Halata ang pagkagutom sa kaniyang katawan at mukha.]
P: Kuya/Ate, nagugutom po ako. Pahingi po ako ng pagkain kahit konti lang.
T: Naku bata hindi pwede rito ang hingi hingi. Magbayad ka muna.
P: Sige na po, ale. Gutom na gutom na po ako. Wala po akong pambili. Kahit konti lang po. Konti lang talaga.
T: Ang kulit mong bata ka. Sabing ‘di pwedeng walang bayad dito eh. Alis na, alis!
P: Ale, maawa na po kayo. Konti lamang po.
T: (nagpupumilit paalisin ang bata)
[Sa pagdaan ni XXX, mahuhulog ang wallet niya at mapapansin ng batang pulubi. Bago pa lang umalis sa tagpo si XXX, lalapitan na ng bata ang wallet at pupulutin. Tatawagin niya si XXX at ibibigay ang wallet. Magpapatuloy sa paglalakad si XXX ng hindi nagpapasalamat at saka maiisipang bumalik at puntahan ang bata.]
P: (Babalik sa karinderya at hihingi ng pagkain)
X: Bata, salamat nga pala. Gusto mo ba ng pagkain?
P: Opo.
X: (Ibibili ng pagkain ang bata) Oh, eto. (Ilalapag sa mesa at papanooring kumain ang bata.) Saan ka nakatira?
P: (Abala sa pagkain) Sa tondo po. Pero dinemolish po ang bahay naming. Kaya pagala gala na lang po kami.
X: Nasaan ang mga magulang mo? Bakit ‘di mo sila kasama?
P: Wala po akong ama. Si nanay po nasa may ilalim lang po ng tulay.
X: . . . Nagkapag-aral ka na ba? Kahit grade 1? grade 2?
P: Ah? Eh. Hanggang Grade4 lang po. Noong buhay pa si tatay.
X: Anong pangalan mo?
P: Miguel po. . . Miguel Silang.
X: (Saglit na natahimik) Ano bang gusto mong maging?
P: (Matagal na nagisip habang kumakain) Ahm . . . gusto ko pong maging doktor.
X: Ah. Bakit gusto mong maging doktor?
P: Para magamot ko si nanay tsaka ‘yung kapatid ko pag may sakit sila.
X: Ano namang gagawin mo pag naging doktor ka na?
P: Gagamutin ko ‘yung mga may sakit. Kahit walang bayad, okay lang. Kasi sabi ni nanay, dapat daw tumutulong tayo sa iba hindi nanloloko.
X: . . . Ganun ba. . . Eh, ‘yung accountant, gusto mo rin bang maging accountant?
P: Ano po ‘yun?
X: ‘Yung sa negosyo . . . ‘yung magaayos ka ng pera. . . ‘yung bang--- doon sa may building na ‘yon. (Tuturo sa malayo.) ‘Yung mga pumapasok du’n sa bangko na ‘yon. tuwing umaga.
P: Ayoko po.
X: Hah? Bakit naman?
P: Kasi ayaw nila sa ‘min ‘nung pumasok kami kahapon diyan. Sabi nila wala raw silang pera. Eh sabi ni nanay, hindi raw po sila mababait. Marami raw sa kanila nanloloko raw po kaya raw po kami naghihirap.
X: (Tahimik at hindi nagsalita)
P: Sayang nga sila no? Mukhang matatalino pa naman sila.
X: (Mahina siyang nagsalita) Oo. nga . . . Matatalino pa naman sila.
Pang-pitong Tagpo: Conference /Decision/
[Magsasalita si XXX tila siya ay nasa gitna ng isang conference at hinihintay ng maraming tao ang kaniyang announcement.]
X: Good morning everyone, Mr/Ms Chairman, managers, and officers from every department. Let me start by saying that by these past few days as the Controller of the company, I realized that being the Controller of the X Company was not easy to do. I faced a lot of struggles . . . blah blah blah [Scripted Speech] . . . and that I officially declare my resignation from my position as the controller and VP Finance of X Company. Thank you all and have a nice day.
Transition: (Action or Narration) /Disentanglement/
[Maraming taon na ang lumipas. ipapakitang nagkaayos na ang pamilya ni XXX. Magkakasama si XXX, ang ina niya at ang mga magkakapatid.]
Pang-walong Tagpo: Silid-aralan /Conclusion/
[Papasok si XXX hawak ang librong gamit sa kaniyang pagtuturo. Ilalapag sa mesa at tatayo sa harapan.]
X: Okay, good morning class. So right now, the subject you’ve enrolled in is Accounting One which is Basic Accounting One. So, before we start the formal discussion, may I ask one of you to state your reason why you’ve enrolled in this course. Please, anyone?
(Saglit na walang magtataas at biglang may magtataas na isa.)
X: Okay, you. So why have you enrolled in Accountancy?
P: Actually, Sir/Maam, when I was still young, I never thought of being an accountant. But one day, someone asked me if I wanted to be an accountant. Ang sabi ko, ayaw ko dahil akala ko marumi ang propesyong ito. But then I realized na hindi pala lahat ng accountants are corrupt. Because later on, I discovered that the stranger was once an accountant who realized his fault. And now, I enrolled in this course because I know that I may not be a good accountant but I can be an HONEST accountant.
X: (sagling tumahimik) Excuse me, what is your name please?
Y: Miguel Sir/Maam . . . Miguel Silang.
*****THE END*****
justine p.
Nakakainis! :) Di ko napanood to eh. Busy ako sa AVR sa pag-papublish ng film namin hahaha. Job well done ninyo bee!~ :))
ReplyDelete