Posts

Showing posts from 2012

INDAK.

Image
Para kang nilulutang sa ulap. Yung pakiramdam na may kasama kang kakaibang nilalang, yung sayo lang yun mundo, gumagalaw ka sa musikang nais mo.  Sa bawat igkas ng kamay at ikot ng katawan sa bawat diretso at pagbali ng mga paa at sa bawat tingin mo sa mga tao,  maipaparating mo ang yong ninanais. Ang pagsayaw na ang naging anino ko habang ako'y nabubuhay,  Malamang sa hindi, dalhin ko ito hanggang sa aking huling hugot ng hininga, ito na rin ang naging dahilan kung bakit ako naging ganito.  Lahat ng nagyayari ay may dahilan,  at ang lahat ng iyong kagustuhan may nakalabing pamamaraan. Diyan ko binubuhay ang sarili ko, diyan ko din nilalaan ang maiikling panahong walang kinapupuntahan, diyan ko din binibigay ang lahat ng nararamdaman kong galit at kasiyahan, at diyan ko din nilalabas lahat ng hinanakit at mga sagot sa lahat ng katanungang bumabalot sa aking pagkatao. diyan din ako nagsusumbong at lumalakas. at sa lahat, diy...

Paghihiganti.

Mainit ang singaw. Talagang tagaktak ang pawis mula noo hanggang sa baba, sa leeg. Hindi mo maiiwasang mapahiyaw sa init, mistulang napakalaking pugon ang kapaligiran. Ang simoy ng hangin ay parang apoy na kulay puting dadampi at susunog sa iyong balat sagad hanggang sa loob ng iyong katawan. Salin ng tubig sa baso, inom. Paypay. Hinga. Inom. kung hindi mo gagawin ito ng paulit ulit, mamatay ka sa pagkatuyo. Isang umaga nagising ako ng init na init at tila balisa sa aking pagkakatulog. Sumilip ako sa bintana ng kwarto, natanaw ang mga puno't halaman sa likod bahay, walang hangin, at syempre walang galaw ang bawat dahon at sanga, tuyong tuyo ang lupa na wari mo'y mabibiyak at mahahati sa gitna at lalabas ang nagaalimpuyong apoy. Nagtanggal ako ng damit , sinuot ang aking pantalon, binuksan ko ang bintana patungong bubungan, saka umupo at pumito. Iilan na lamang din ang mga ibong lumilipad dito sa may amin, magbuhat  nung nagkamatay ang iba naming puno, parang nagtampo ...